Hello Calligraphy!

For this past few months I’m really loving writing beautiful and inspiring quotes from the books I read. Until I saw on instagram that Calligraphy is now a big thing.
Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

Tuesday: Random Thoughts

January is my birth month and my favorite among the twelve. It’s because pwede akong mag-ask ng anything sa mga taong nakapaligid sa akin ng walang hinihintay na kapalit.

image

Kapag birthday mo kasi may automatic birthday cake, birthday song na wala minsan sa tono at sandamakmak na birthday greetings mula sa kapamilya, kapuso, kaibigan at kahit sa mga friends ng friends mo na di mo ka-close.

Ang saya di ba? Pero paano ka mag-celebrate ng birthday mo? Gimik with friends? Dinner with family? Hintayin ang 12am before your birthday? Eh paano kung may loved one kang pumanaw?

This year was really different from previous years that I celebrated my birthday. May mga time na hindi mismong araw ako nagce-celbrate dahil may pasok sa school, may exam, kakapanganak lang ni mama o minsan di ko lang trip. Itong taon na ito nawala ang pinakapaborito kong tito. Sorry sa iba, pero siya talaga.

Hindi ko magawang lumakwatsa o humipan man lang ng cake noong ikalabing-apat ng Enero. Kamamatay lang kasi ng Tito Ironman ko. Though it was still a happy thought that he was now pain-free and left the cruel earth.

Pero naisip ko rin yung dati na tuwing birthday ko dinadalaw niya ko sa bahay at lolokohin kung anong handa ko, at lagi kong sagot ay “paggawa mo ko ng birthday cake na bakal!” Sabay tawa. Noong hindi ko naman nakuha yung inaasam kong medal sa school sinabihan niya ko na igagawa raw niya ako ng bakal na medal na mas malaki kaysa sa ordinary. Pero siyempre joke lang yun.

Napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya at sa mga aral sa buhay na naibahagi niya sa akin. Ang pagiging matatag sa iyong faith. Ang pagkapit sa iyong paniniwala na tulad ng bakal.

Kaya sa bawat paglubog ng araw at pagsabog ng iba’t ibang kulay na tulad ng ating mga emosyon makakagawa ito lagi ng napakagandang larawan na kahit sa iyong panaginip ay hindi mo naipinta.

Para Kanino ka Bumabangon?

image

Madalas kong mapanuod sa tv ang commercial ng isang coffee brand na may tagline na,

Para kanino ka bumabangon?

Noong mga panahon na pinapalabas pa sa tv yung commercial niyan hindi ko masagot kung para kanino nga ba?

Mahirap kasi kung wala ka naman talagang goals or inspirations na magpu-push sa iyo upang magpursige.

Nineteen days pa lang ang itinatakbo ng 2015 ay nawawalan na ako ng gana or sabihin nating wala akong matibay na motivation para gumising ng maaga.

Nakakinis minsang isipin na provided naman lahat ng mga gamit na makakapagmotivate sa akin pero madalas pa rin akong failed sa mga short-term goals ko.

Kaya naisipan kong isulat yung mga short-term goals ko at theme every month at i-share sa inyo para may mga taong magre-remind sa akin sa mga goals ko.

And for the month of January,

image

Early bird, catches the early worm.

Punctuality. Morning person naman ako pero madalas akong ma-late. Kaya sa month na ito darating ako sa office ng one hour ahead of my time.

So help me God.

Ikaw para kanino ka bumabangon? Share ka naman ng inspirations, motivations or tips.

Mula sa Norte

Ang Ilocos ay isa sa mga yaman ng Northern Part ng Philippines. Isa rin ito sa mga pangarap kong puntahan at karamihan rin sa ating mga pinoy ay nais rin makita ang kagandahan nito.

Nahahati sa dalawang parte ang Ilocos — Ilocos Sur at Ilocos Norte. At dahil sa laki din ng probinsyang ito hinati ko rin sa napakaraming posts ang kuwento ko nang mapadpad ako sa kagandahan nito.

Sabi nga nila, “ang hindi planadong lakad ang natutuloy”. Biglaang lakad nga ito at pumayag agad akong patulan namin ng best friend ko iyong mga nagkalat na travel and tours promo sa internet. Na-excite naman ako at sobrang tuwa ko sa super duper low price na na-avail namin. Bonus pa ang sobrang daming itineraries.

Kahit hindi talaga ako bilib sa mga arranged tours, um-oo na lang ako matuloy lang ang matagal ko ng travel dream.

Unang araw namin, sinimulan sa Bantay, Ilocos Sur. Kung saan matatagpuan ang famous Bantay Belltower.

image

First time kong marinig ang pangalan ng lugar ay naisip ko na kaya siguro tinawag na Bantay Belltower ay para maging spytower ng bayan. Para saan naman? Mali pala ako at sa lahat ng mga nag-assume na tulad ko, ang sabi ng isa sa mga locals doon tinawag na Bantay ang lugar nila dahil ito ay isang salitang Ilokano na ibig sabihin ay Hill o Burol.

image

Pero kapag nasa tuktok ka na ng Bantay belltower, para talaga siyang ginawa para bantayan ang buong bayan. Makikita mo ang kabuuan ng lugar mula sa tuktok nito.

Sa katabi mismo ng Bantay Belltower ay ang St. Augustine Church na itinayo noong 1591. Makikita mo talaga ang pagiging antique ng simbahan. Mula labas ay maaaliw ka na sa red bricks nito.

image

image

image

image

image

Inikot ko muna ang gilid ng simbahan at natagpuan ko ang Garden of Ruins. Sobra talaga akong mausisa sa mga pangalan ng bawat lugar na pinupuntahan ko. Pero mula sa name nito may clue na agad. Sa garden makikita mo talaga yung bitak bitak na wall ng church. At may mga kerubin at parang napakaraming kuwento na ang nagdaan sa parte ng simbahang ito.

image

image

image

image

image

Lumakad pa ko at sa kakahanap ko ng interesting pieces para sa travelogue ko, napunta ako sa isang parte ng simbahan. May mga iilang paintings na naka-display. Madilim ang lugar, iba iyong pakiramdam ko pagpasok pa lang sa silid na iyon. Nakakapangilabot. Mukha siyang clinic ng mga lumang simbahan kung saan kalimitan ginagamot ang mga sugatang sundalo.

Kaya siguro iba din ang pakiramdam ko pagpasok pa lang sa silid na iyon. Hindi ko nga kinaya kuhanan ng litrato at umalis din ako kaagad.

image

Bawat lugar ay may mga kuwentong dala sa iyo. Mapaglalapit kayo ng panahon mula sa mga ito. Mga kuwentong magdadala sa iyo mula sa mga panahong hindi mo pa man alam. Masayang malaman na parte ang mga ito ng kasalukuyan. Kaya ngayon pa lang matuto tayong alagaan ang mga memories sa kasalukuyan, huwag mong hayaang makalimutan mo at mapaglipasan lamang ng panahon ang bawat sandali mo dito sa earth.

Cinemajam 2014

Hilig ko na talaga ang musika, pagbabasa ng libro at panunuod ng movies except horror. Hahaha malakas kasi ang imahonasyon ko kaya hangga’t maaari iniiwasan ko ang mga ganoong klaseng movies.

Kaya ng malaman ko na merong klaseng event na pinagsama ang musika at pelikula, natuwa talaga ako. Ito ay ang CinemaJam na kung saan ang malilikom na pera mula sa event na ito ay makakatulong sa world vision.

Nabigyan ako ng pagkakataong masaksihan ang event na ito ng bigay ng kaibigan ng kaibigan ko. Libre daw mula sa pag-avail ng Crizal Transition Lens na pangarap ko ring magkaroon.

Ang unang plano ay makakasama ko ang mga couchsurfers sa Pampanga at si John. Pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari naiba ang plano at isinama ko ang aking bespren na si Caren. At kikitain na lang namin ang couple na sina Darby at Joana Grace.

Ginanap sa Greenfield District Park, Mandaluyong City at dahil hindi talaga ako magaling sa pagbabasa ng mapa at sa mga direksyon naligaw kami ni Caren.

Pero sa mga nais maka-alam ng biyahe mula Pampanga patungo sa Greenfield district heto at ikukwento ko:

Mula sa SM Pampanga sumakay kami ng Cubao at nagpababa kame sa Farmer’s. Sumakay ulit kami ng City Bus na pa-LRT Leveriza at bumaba sa Starmall. Mula sa Starmall lakarin na papunta Shangrila Mall at lagpasan lang ang Jollibee at nasa Greenfield District ka na.

Sana naintindihan niyo. Hindi lang talaga ako matandain sa mga lugar. Kaya isinulat ko na rin ito. Para sa panahong nanaisin kong bumiyahe ulit pa-south part ng Manila ay hindi na ko maligaw.

Isang masayang experience ang CinemaJam kung saan live kong narinig ang Banda ni Kleggy, Itchyworms, Imago at Chocolate Factory. Sana umabot din kami ng gabi, paniguradong mas masaya ang crowd.

Hanggang sa susunod na paglilibot!

Lahat na lang Nagmamahalan

Hindi ito dahil sa Single at Stress-free ako kung bakit iyan ang pinili kong maging title ng blog post na ito.

Ito ay dahil sa lahat na lang ng bagay ata sa earth ay nagmamahalan na. Pati pag-park sa Mall kung saan ay bibili ka lang ng isang bote ng shampoo, isang malaking plastik ng cooking oil at dalawang pack ng skyflakes ay hihingi ng 10-piso parking fee. What the fee?!

Hindi naman sa nagko-complain ako, pero nagko-complain talaga ako kung bakit kailangan nating magbayad ng parking fee eh bumili na nga tayo. Bakit hindi na lang kaya nila i-check kung sino yung mga nagpapalamig lang sila na lang singilin nila. Hahaha. As if pwede.

Ewan talaga di ko magets yung point ng paniningil nila. Kapag ba naningil sila uunlad ang bansang Pinas? Kapag ba naningil sila mababawasan yung nga carnapper na naglalabas ng kotse sa mall dahil wala nga silang pera? Kapag ba naningil sila makakakain na yung mga gutom at pulubi sa lansangan? Pffft! Wish ko lang talaga!

Please let there be light sa rant kong ito! Ano sa tingin mo pre?

Beeda ang saya!

Mula sa pagkabata sa tuwing may maliliit na okasyon, gustong-gusto sa karamihan sa atin ang magpunta at kumain sa Jollibee.

Ewan ko ba nung bata ako sobrang cute para sa akin yung malaking tutubi na parang may chef hat. Hahaha

Tapos dahil sikat ang chicken joy, yun na rin ang tawag sa akin ng ilan sa mga naging kaklase ko sa elementary. Anlakas lang mag-throwback.

Pero sobrang nasisiyahan ako kapag may nakikita akong isang buong pamilya na sama-samang kumakain sa Jollibee o kahit sa anu pa man iyang kainan.

Yun tayong mga Pinoy! Isang buong pamilya. Kasama sina Lolo, Lola, Tita, Tita at pati kung sino pang nilalang na nakatira sa iisang bahay! Ayos di ba?

Minsan naisip ko na masaya nga pag buo ang isang pamilya pero may mga downsides din naman yun. Pwede rin magsimula ang awayan at inggitan. Well, nature na nga ata ng tao yun.

Kaya saludo ako sa mga pamilyang napapanatili nilang buo at away-free ang kanilang family!

Ang Unang Ligaya

Sa una kong Ligaya, pinakikilala ko sa inyo ang classic pinoy jeepney na bumubusina sa iyo pagbungad pa lang ng araw at sa pagdilim ng paligid tulad sa pagsusulat ko nito habang hinhintay mapuno at bumyahe ang sasakyang maghahatid sa iyo sa iyong destination.

Napakaligaya ko sa unang beses na pagsakay ko ng jeepney iyong merong kabayo pa sa unahan niya at mga parang banderitas. Ayos di ba? Parang fiesta lang!

Pero sa kasamaang palad at dahil sa hindi naman ako sanay sumakay ng jeep at first time ko pa, anak ng kabayo! Mali pala ang route ng jeep na nasakyan ko! Ano ba yan, sayang lang ang ngiti at masigabong palakpakan sa utak ko. Kaya sa sumunod na pagsakay ko ng jeep natuto akong magtanong sa driver ng dadaanan niya.

Ngunit heto ang unang kinasuklaman ko sa pagsakay ng jeep ay ang pagpili mo ng pwesto. Bakit? Kailangan mong pumili ng mauupuan sa jeep na malayo sa driver ay dahil kung hindi magmumukha kang kunduktor sa “bayad po, pakiabot!” At sa duluan pa sila pumipili ng mauupuan para lang maipaabot sa iyo sa hinaba-haba ng jeep at mga bakanteng mauupuan.

Heto ang matindi sa jeep, 14-seater ang capacity raw ng isang makulay at masayang jeep pero walang kasing saya ang pagtawag ng barker na “oh lima pa! Tatlo sa kanan, dalawa sa kaliwa!” Samantalang sampu na kayo sa loob ng jeep at hindi naman pare-parehas ang built ng katawan ng mga pasahero. Kaya kawawa kang bata ka na naghahabol sa iyong unang klase! Sasakay ka ba o sasakay ka?! No choice, manigas na lahat ng mga muscles mo sa legs at manalangin ka na lang na may agad pumara.

Kaya sa susunod na makita mo ang napakakulay at napakasayang jeepney, hinding hindi mo malilimutang ang dalang ligaya at kasuklam-suklam na pangyayari sa loob ni Pareng Dyip!

Oh Ligaya!

Maligayang pagdating sa aking mga maliligayang kuwento! Ito ay aking nilikha upang inyong malaman na masaya at napakaganda ng ating salita, kultura at mga pananaw sa life.

Sorry, hindi ko kinaya ang diretsong tagalog. Nakakaloka! Hindi ko alam kung ilang salitang english ang naisasama natin sa ating mga ordinaryong conversation sa araw-araw.

Sa walang katapusan na paghahanap ko ng blog na tagalog kakaunti lang ang naibigay ni Google. Kaya heto ako ngayon nagsusulat ng isang tagalog blog, featuring Pinoy’s own language!